Ipinatalastas kamakailan ng Asian Development Bank (ADB) ang pag-aaproba sa 100 milyong Dolyares na pautang sa isang proyekto ng haywey sa Pakistan. Ito ang kauna-unahang pagkakaloob ng pautang ng ADB, kasama ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Kaugnay nito, ipinahayag ni Takehiko Nakao, Presidente ng ADB, na ito ang mahalagang muhon ng ADB at AIIB, dahil aniya, ang komong target ng dalawang organo ay makatugon sa malaking pangangailangan sa rehiyon ng Asya at Pasipiko para sa konstruksyon ng imprastruktura.
Dagdag ni Nakao, ang naturang proyekto ng haywey ay isang mahalagang proyekto ng komunikasyon sa Pakistan. Ito aniya ay magdudulot ng mga bagong pagkakataong pangkalakalan at pangkomersyo, upang madagdagan ang hanapbuhay at babawasan ang kahirapan sa naturang bansa.
Salin: Liu Kai