Ipinatalastas kahapon, Miyerkules, ika-11 ng Mayo 2016, ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), na magkakaloob ito, kasama ng European Bank for Reconstruction and Development (EBRD), ng pondo sa proyekto ng konstruksyon ng haywey sa pagitan ng Dushanbe, kabisera ng Tajikistan, at purok-hanggahan ng Uzbekistan.
Ito ang kauna-unahang proyektong magkasamang bibigyan ng pondo ng naturang dalawang bangko. Samantala, pinag-aaralan din nila ang kooperasyon sa mga iba pang proyekto ng imprastruktura sa Gitnang Asya.
Salin: Liu Kai