Ayon sa pahayagang "People's Daily," ipinahayag kamakailan ng mga dayuhang politiko, eksperto, at iskolar ang kanilang pagkatig sa paninindigan ng Tsina laban sa arbitrasyon na unilateral na iniharap ng pamahalaan ni Aquino III. Ipinalalagay nilang ang susi ng paglutas sa may-kinalamang hidwaan sa South China Sea ay pagkakaroon ng mga kinauukulang bansa ng diyalogo at pagsasanggunian.
Ipinahayag ni Surakiart Sathirathai, dating Punong Ministro ng Thailand, at Presidente ng Asia Peace and Reconciliation Council (APRC), na ayon sa pandaigdigang batas, ang bawat bansa ay may karapatan sa pagtanggap o hindi ng arbitrasyon. Ito aniya ay dapat sariling pagpasiyahan ng iba't-ibang bansa. Tungkol sa arbitrasyon sa SCS na iniharap ng pamahalaan ni Aquino III, mula simula, idineklara ng Tsina ang di-pagtanggap at di-paglahok dito. Kaya, dapat bigyan ng komunidad ng daigdig ng paggalang ang pagpili ng panig Tsino.
Ipinahayag naman ni Chheang Vanarith, Presidente ng Board of Directors ng Instituto ng Pananaliksik sa Estratehiya ng Cambodia, na sinang-ayunan at itinataguyod ng Tsina ang "dual-track approach." Ang "dual-track approach ay ang ang mapayapang paglutas sa kinauukulang hidwaan sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian ng mga direktang may-kinalamang bansa, at magkakasamang pangangalaga ng Tsina at mga bansang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Aniya, ang pandaigdigang arbitrasyon ay hindi nakakatulong sa paglutas sa naturang isyu.
Ipinalalagay ni Riaz Rhokhar, dating Foreign Secretary ng Pakistan, na konstruktibo ang mungkahing iniharap ng Tsina hinggil sa paglutas sa hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Dapat aniyang lutasin ang isyu sa loob ng rehiyon sa pamamagitan ng diyalogo ng mga direktang kinauukulang bansa.
Salin: Li Feng