|
||||||||
|
||
KAILANGANG magtulungan ang lahat ng sektor ng lipunan upang tuluyang umangat ang bansa.
Ito ang binigyang-diin ni Vice President Ma. Leonor "Leni" Gerona Robredo sa kanyang talumpati sa ikatlong anibersaryo ng Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.
Ani Gng. Robredo, hindi madaling umunlad sapagkat nariyan ang mga problemang dulot ng kahirapan, kakulangan ng trabaho ay kailangang matugunan hindi sa pagtatapos ng anim na taon o sa katapusan ng taon bagkos ay ngayon kungdi ma'y sa susunod na anim na buwan. Karamihan umano ng mga Filipino ang 'di nakikinabang sa paglago ng ekonomiya.
VICE PRESIDENT ROBREDO, NANAWAGANG MAGKAISA ANG LAHAT. Naniniwala si Vice President Leni Robredo na dapat magsama-sama ang mga mamamayan upang malutas ang mga problemang kinakaharap ng bansa. Magugunitang hindi binigyan ng trabaho ni Pangulong Duterte ang pangalawang pangulo. Kanina, nagbigay-galang si Vice President Robredo kay Pangulong Duterte sa Malacanang. (A. Dalan)
Idinagdag niyang ang kanyang prayoridad ay makipagtulungan sa pribadong sektor upang mabigyang pansin ang mga pangangailangan ng mahihirap. Hindi na kailangan pang maghintay na bumaba ang benepisyo ng magandang ekonomiya sa mga mamamayang mahihirap.
Kailangang gumalaw ang likas na yaman at talino ng mga Filipino upang malutas ang pangangailangan ng lipunan. Nanawagan siya sa madla na makiisa sa pamahalaan upang higit na madali ang pagpapaunlad ng bansa.
Nabanggit din niya ang kanyang nabigyang pansin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang pagpapalakas sa pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan at ang pagkakaroon ng higit na poder sa mga mamamayan kasabay na rin ng pagpapasa sa Freedom of Information Bill na hanggang ngayon ay 'di pa naipapasa ng pamahalaan. Kailangan ding magkaroon ng isang agrarian reform commission upang mabigyang buhay ang pinakalayunin ng repormang agraryo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |