|
||||||||
|
||
KIKILOS ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang maibsan ang mga problema ng bansa tulad ng kawalan ng tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno.
Sa kanyang talumpati matapos manumpa bilang ika-16 na pangulo ng bansa, sinabi ni Pangulong Duterte na nawalan na ng tiwala ang taongbayan sa mga namumuno sa ehekutibo, sa hudikatura, nawawalang pag-asa ang mga mamamayan sa nagpapatakbo ng pamahalaang pambansa at lokal. Kahit umano ang pangungulimbat ng kaban ng bayan kaya't 'di na nakikita ang kaunlaran.
Sa mga pangyayaring ito, kumakalat ang katiwalian, kriminalidad at pagbebenta ng droga. Hindi umano niya lalabagin ang batas sapagkat siya'y naging alagad rin ng batas bilang isang taga-usig. Hindi niya mahihigtan ang itinatadhana ng batas.
Hiniling niya sa Kongreso at sa Commission on Human Rights na payagan silang gawin ang magagawa sa panig ng ehekutibo upang masugpo ang mga suliranin ng bansa.
Hindi umano magiging madali ang paglalakbay ng pamahalaan subalit inaanyayahan niya ang madla na makiisa sa paghahangad ng magandang kinabukasan sa bayan.
Inatasan niya ang mga kasusumpang mga kalihim ng iba't ibang kagawaran na bawasan ang red tape.
Sa larangan ng ugnayang panglabas, sinabi ni Pangulong Duterte na patuloy na igagalang ng Pilipinas ang lahat ng tratado at mga obilgasyon sa pandaigdigang komunidad. Kinikilala rin ng kanyang administrasyon ang lahat ng nilagdaang peace agreements ayon sa nilalaman at layunin ng Saligang Batas at legal forms.
Nakiramay din si Pangulong Duterte sa Republika ng Turkey na naging biktima ng tatlong suicide bombers kahapon ng madaling araw na ikinasawi ng maraming mamamayan at ikinasagut ng may 200 katao.
Kabilang sa mga dumalo sa panunumpa ni Pangulong Duterte sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, dating Pangulo at ngayo'y Mayor ng Maynila si Joseph Estrada, Senate President Franklin M. Drilon at House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |