SA kanyang talumpati matapos manumpa nilang Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sinabi ni Vice President Leni Robredo na hindi niya malilimutan ang mga mahihirap na kanyang pinaglingkuran noon.
Tiniyak niya sa kanyang talumpati na dadalaw siya sa pinakamalalayong pook sa bansa sa unang isang daang araw ng kanyang panunungkulan.
Isa umanong malaking hamon ang pagkakahalal sa kanyang bilang pangalawang pangulo subalit napaghandaan niya ito mula pa man noong isang Public Atorney's Office at isang NGO worker.
Kailangang umunlad ang buhay ng mga mamamayan, dagdag pa ni Gng. Robredo.
Ito ang unang pagkakataon na nanumpa ang pangulo at pangalawang pangulo ng magkahiwalay.