Ipinahayag kamakailan ni Propesor Kim Hyeonsu, isang dalubhasa na nananaliksik nang mahabang panahon sa Law of the Sea at International Law sa Inha University, Timog Korea, ang kanyang kalungkutan sa unilateral na pagharap ng pamahalaan ni Benigno Aquino III ng arbitrasyon sa arbitral tribunal hinggil sa isyu ng South China Sea. Aniya, ang pinakamabuting paraan para malutas ang hidwaan ay mapayapang diyalogo at talastasan.
Sinabi ni Propesor Hyeonsu, na ginawa na ng Tsina ang pahayag batay sa "United Nations Convention on the Law of the Sea" (UNCLOS), at hindi isinama ang mga isyu na gaya ng demarkasyon ng mga isla sa prosydur ng paglutas ng hidwaan na gaya ng arbitrasyon. Aniya, bilang isang signatoryong bansa ng UNCLOS, may karapatan ang Tsina na piliin ang sarili ng paraan para malutas ang hidwaan, at ang karapatang ito ay batay sa pandaigdig na batas. Kaya, dapat ito aniyang igalang ng bansang kasangkot sa hidwaan at International Court of Justice. Aniya pa, walang karapatan ang arbitral tribunal ng South China Sea sa nasabing arbitrasyon at walang obligasyon ang Tsina sa paglahok dito. Hindi rin kailangang tanggapin ng Tsina ang resulta ng nasabing arbitrasyon, dagdag ni Propesor Hyeonsu.
Salin: Andrea