"Ang South China Sea arbitration na isinumite ng Pilipinas ay nagpapakita ng tangka ng Amerika, na pigilan ang karapatan at katayuang panrehiyon at pandaigdig ng Tsina." Winika ito kamakailan ni Domenico Moro, isang ekonomistang Italyano.
Aniya, tinatangka ng Amerika na kontrolin ang katayuang panrehiyon at pandaigdig ng Tsina, para pangalagaan ang impluwensiyang ideolohikal at kultural ng Amerika, at iwasan ang banta sa sariling hegemonistikong katayuan. Dagdag pa ni Moro, ayaw ng Amerika na magkaroon ng namumunong papel sa geopolitics ang Tsina. Ito aniya ang layunin ng pakikialam ng Amerika sa isyu ng South China Sea.
Salin: Vera