Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dai Bingguo: walang bisa ang hatol ng arbitrasyon court sa SCS

(GMT+08:00) 2016-07-06 10:32:54       CRI
Ipinahayag nitong Lunes, Hulyo 5, 2016, sa Washington D.C. ni Dai Bingguo, dating kasangguni ng pamahalaang Tsino, na walang anumang bisa ang ilalabas na hatol sa arbitrasyon na unilateral na iniharap ng pamahalaan ng dating pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS).

Nang araw ring iyon, idinaos ang dialogue conference ng mga think tank ng Tsina at Amerika hinggil sa isyu ng SCS. Sa kanyang keynote speech sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Dai na dapat matatag na pangalagaan ng Tsina ang pambansang kapakanan sa teritoryo at soberanya at tanggihan ang anumang pakiki-alam ng ibang mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS.

Kaugnay ng nasabing arbitrasyon, sinabi ni Dai na ang aksyong ito ay lumabag sa mga bilateral na kasunduan ng Tsina at Pilipinas at mga tadhana ng pandaigdigang batas. Dagdag pa niya, hindi kikilalanin at ipapatupad ng Tsina ang hatol sa arbitrasyon. Ito aniya ay pangangalaga ng Tsina sa sariling karapatan batay sa pandaigdigang batas.

Tinukoy ni Dai na ipinakikita ng mga historikal na materiyal ng Tsina at mga bansang kanluranin na patuloy at mabisang isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang pangangasiwa sa soberanya ng mga isla at reef sa SCS sa mahabang panahon.

Pagkatapos ng World War II, ang Nansha Islands ay ibinalik sa Tsina. Ito aniya ay mahalagang bahagi ng kaayusang pandaigdig at kinilala ng panig Amerikano sa mahabang panahon. Dagdag pa ni Dai, ang soberanya ng Tsina sa SCS ay ipinagtatanggol din ng mga pandaigdigang batas na gaya ng Charter of United Nations.

Sinabi ni Dai na hindi nagbabago ang patakarang Tsino sa mapayapang paglutas sa isyu ng SCS, sa pamamagitan ng bilateral na talastasan para pangalagaan ang kalayaan ng paglalayag at paglipad sa nasabing karagatan.

Nanawagan si Dai sa panig Amerikano na sundin ang pangako na walang papanigan sa isyu ng SCS, at ilagay ang isyung ito sa tamang posisyon sa relasyong Sino-Amerikano.

Tinalakay sa naturang pulong ng mga dalubhasa ng Tsina at Amerika ang tatlong isyu na gaya ng pananaw ng Tsina at Amerika sa isyu ng SCS, mga hidwaan at kinabukasan sa SCS, ideya at mungkahi hinggil sa aktuwal na paglutas sa isyung ito.

Ipinalalagay ni Douglas Paal, Pangalawang Pangulo ng Studies at the Carnegie Endowment for International Peace, na dapat buong sikap na mapahupa ng iba't ibang panig ang tensyon sa SCS at mayroon ang Tsina at Amerika ng espasyo ng kooperasyon sa isyung ito.

Sinabi rin ni Brandan S. Mulvaney, propesor mula sa United States Naval Academy, na natamo ang progreso ng mga hukbo ng Amerika at Tsina sa pagtutulungan at pag-uugnayan. Dagdag pa niya, hindi dapat maapektuhan ng isyu ng SCS ang mga kooperasyon at pagsisikap ng dalawang bansa para itatag ang mas magandang bilateral na relasyon.

Ang nasabing pulong ay itinaguyod ng Renmin University ng Tsina at Carnegie Endowment for International Peace. Ang National Institute for South China Sea Studies (NISCS) at Woodrow Wilson International Center for Scholars ay mga co-host na organisasyon ng pulong na ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>