Miyerkules, ika-29 ng Hunyo, 2016, sinabi ng Sekretaryat ng Arbitral Tribunal na isasapubliko sa ika-12 ng Hulyo ang pinal na hatol hinggil sa arbitrasyon na iniharap ng Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS). Pinagdududahan naman ng mga dalubhasa at iskolar ng Pilipinas ang unilateral na pagsumite ng arbitrasyon ng pamahalaan ni Aquino. Ipinalalagay nilang makatwiran at lehitimo ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa hindi nito pakikisangkot, pagtanggap, pagkilala, at pagpapatupad sa resulta ng arbitrasyon, ayon sa pandaigdig na batas.
Sinabi ni Alberto Encomienda, dating Pangkalahatang Kalihim ng Maritime and Ocean Affairs Center ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na nagsinungaling ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa panahon ng pamahalaan ni Benigno Simeon Aquino III sa pagsasabing idinaos di-umano ng Tsina at Pilipinas ang mahigit sampung talastasan at hindi nalutas ang alitan. Aniya, sa panahong iyan, siya ang namamahala sa mga gawain sa aspektong ito. Sa katunayan, nagtangka ang panig Tsino na makipagtalastasan sa panig Pilipino, pero hindi gumawa ng reaksyon dito ang administrasyon ni Aquino.
Sinabi naman ni Rod Kaplan, Manunulat ng pahayagang "Standard" na sanhi ng kapasiyahan ng pamahalaan ni Aquino sa pagsumite ng South China Sea arbitration, nawalan ng tsanel ang Pilipinas at Tsina sa paglutas sa alitan, sa pamamagitan ng direktang talastasan. Aniya, hindi alam ng pamahalaan ni Aquino na kung mapapanatili ang maalwang tsanel ng talastasan, iiral ang posibilidad ng pagresolba ng alitan.
Salin: Vera