Huwebes, ika-30 ng Hunyo, 2016, ipinahayag ni Stephen Techico, Pangulo ng Filipino-Chinese Association of the Philippines (FFCAP), ang pag-asang itatabi ng Tsina at Pilipinas ang alitan, para maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Sinabi niyang paulit-ulit nang binigyang-diin ni bagong Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabuti ng relasyon sa Tsina, at pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Nananalig aniya siyang maaaring itabi ng dalawang bansa ang alitan, at isakatuparan ang komong kaunlaran. Ipinalalagay ni Techico na gagawing pagkakataon ng Pilipinas ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran, para maisakatuparan ang pag-unlad ng sariling kabuhayan. Samantala, magkakaloob ang Tsina ng mas maraming pagkatig at tulong para sa pagpapabuti ng imprastruktura, at paglikha ng hanap-buhay sa Pilipinas.
Ayon naman sa komentaryo ng pahayagang "World News," umaasa ang mga mamamayan na pagkaraang umakyat sa puwesto si Pangulong Duterte, ipapauna ang kapakanan ng bansa at tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino't Pilipino, lulutasin ang alitan sa South China Sea sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian, at panunumbalikin ang relasyong Sino-Pilipino sa malusog na landas.
Salin: Vera