Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing, Hulyo 5, 2016 kay Say Chhum, dumadalaw na Tagapangulo ng Mataas na Kapulungan ng Kambodya, ipinahayag ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC), na bilang matalik na estratehikong magkatuwang at kapitbansa, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya para ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Kambodyano, sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng pagpapalitan sa mataas na antas, pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at pagpapalakas ng koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Inilahad din ni Yu ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea, at positibo siya sa makatarungan at obdiyektibong atityud ng Kambodya sa isyung ito. Ani Yu, umaasang hihigpit pa ang pagpapalitan ng CPPCC at Mataas na Kapulungan ng Kambodya, para palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Say Chhum, na bilang mapagkaibigang kapatid, nakahanda ang Kambodya na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at patibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Aniya, buong tatag na kakatigan ng Kambodya ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Lalahok din aniya ang kanyang bansa sa estratehiyang "Belt at Road" na itinataguyod ng Tsina.