Ayon sa Departamentong Panlabas ng Komite Sentral ng Partdio Komunista ng Tsina(CPC), ipinahayag kamakailan ng ilang pribadong organisasyon ng mga bansa sa daigdig na walang karapatan ang limang miyembrong arbitral tribunal na magdesisyon sa isyu ng South China Sea(SCS). Umaasa anila silang isasagawa ang negosasyon ng mga direktang may-kinalamang panig para lutasin ang isyung ito.
Ipinahayag ni Kung Phoak, Puno ng Instituto ng Kambodya sa Pambansang Estratehiya na ang arbitrasyong unilateral na isinumite ng Pilipinas hinggil sa isyu ng SCS ay hindi lamang walang batayang pambatas, kundi makakasama rin sa katatagan ng rehiyon at relasyong Sino-Pilipino. Binigyang-diin niyang ang mapayapang talastasan ay magsisilbing tanging paraan para lutasin ang isyung ito.
Ipinahahag naman ni Zahari Zahariev, Presidente ng Slavyani Foundation ng Bulgaria na ang pakikialam mula sa ibang bansa sa isyu ng SCS ay magpapaigting lamang sa alitan, at hindi ito makakatulong sa katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag din ni Rajendra Shrestha, Presidente ng Nepal Council of World Affairs, na positibo siya sa paninindigan ng Tsina hinggil sa paglutas sa isyu ng SCS sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo. Ito aniya angkop sa pandaigdigang batas at regulasyon.