Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag kahapon, Hulyo 8, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi nagbabago ang paninindigan ng panig Tsino na hindi tinatanggap at nilalahukan ang umano'y kaso ng arbitrasyon sa South China Sea. Aniya, ang tangka ng ilang may-kinalamang panig na pilitin ang Tsina sa pagtatanggap ng gagawing hatol sa pamamagitan ng diplomatikong presur at pagpukaw ng opinyong publiko, ay tiyak na mabibigo.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakalawa, Hulyo 7, 2016, ng opisyal ng Amerika na hinihimok ng panig Amerikano ang Tsina at Pilipinas na tupdin ang resulta ng gagawing hatol. Hinihiling din aniya ng panig Amerikano sa Claimant Countries na iwasan ang pagsasagawa ng mga aksyon ng probokasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na dahil ang umano'y arbitrasyong unilateral na iniharap ng pamahalaan ni Benigno Aquino III, ay lumalabag sa layunin ng "United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)," at nagbabanta sa "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea." Ito aniya ay taliwas sa pandaigdigang batas at regulasyon. Hindi nagbabago ang nasabing paninindigan ng panig Tsino sa arbitrasyon sa South China Sea, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng