Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag kahapon, Hulyo 5, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na pagkaraang ihain ng pamahalaan ni Benigno Aquino III ang kaso ng arbitrasyon sa South China Sea laban sa Tsina, ipinahayag ng maraming bansa at mga personahe ng komunidad ng daigdig ang kanilang pagkabahala sa ipinakikitang pagpapalawak at pagmamalabis ng Arbitral Tribunal sa kapangyarihan. Ipinalalagay din nilang ito ay magdudulot ng grabeng impact sa kaayusan ng pandaigdigang batas.
Ani Hong, ipinahayag ng naturang mga bansa at personahe ang pagkatig sa mapayapang paglutas sa may-kinalamang hidwaan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian. Ipinalalagay din nilang dapat mataimtim na tupdin ng iba't-ibang may kinalamang panig ang "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea."
Salin: Li Feng