|
||||||||
|
||
Pingtang County, Guizhou Province sa timog-kanluran ng Tsina—Natapos Linggo, Hulyo 3, 2016 ang instalasyon ng Five-hundred-meter Aperture Spherical Telescope (FAST), pinakamalaking teleskopyo sa daigdig, makaraang ikabit sa sentro nito ang huling piyesa ng panel. Sa kabuuan, ito ay binubuo ng 4450 panel.
Ang nasabing radio telescope na kasinlaki ng 30 football field ay makakatulong sa paghahanap ng extraterrestrial life at sa pag-alam hinggil sa pinagmulan ng universe.
Makakatanggap ang teleskopyo ng electromagnetic signal mula sa 13.7 bilyong light-year. Ang distansyang ito ay halos umaabot sa hanggahan ng universe.
Pagkaraan ng trial operation, nakatakdang pormal na magsaoperasyon ang teleskopyo sa darating na Setyembre. Tumagal nang 11 buwan ang nasabing instalasyon.
Mga larawang nagpapakita ng proseso ng instalasyon ng panel sa FAST. (Xinhua/Ou Dongqu)
Mga larawang nagpapakita ng night view ng FAST. File photos na kinunan Sept. 1, 2014 ng National Astronomical Observatories of Chinese Academy of Sciences.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |