Ayon sa Xinhua News Agency, opisyal na ahensya sa pagbabalita ng Tsina, kaugnay ng arbitrasyon hinggil sa isyu ng South China Sea na unilateral na isinumite ng pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III, may kinikilingan ang media na kanluranin sa pag-ulat ng nasabing isyu at hindi mababasa sa kanilang ulat ang lahat ng mga paninidigan.
Halimbawa, sinabi ni John Roth, kolumnista ng Britanya, na pagdating sa arbitrasyon, kailangang may kahandaang lumahok dito ang magkabilang panig, at hindi maaaring ang isang panig ang unilateral na magharap ng arbitrasyon nang walang pagsang-ayon ng kabilang panig.
Sinabi naman ni Catherine West, Miyembro ng Parliamento ng Britanya na kaugnay ng isyu ng South China Sea, kailangang lutasin ng mga direktang may kinalamang bansa ang isyung ito, sa pamamagitan ng diyalogo.
Sinabi naman ni Sergey Stanishev, Lider ng Party of European Socialists, ikalawang pinakamalaking partido ng European Parliament na nitong ilang dekadang nakalipas, nananangan ang Tsina sa patakaran ng paggalang sa ibang bansa, di-paglunsad ng sagupaan laban sa ibang bansa at pagsasagawa ng diyalogo, kaya, karapat-dapat ding igalang ang Tsina ng ibang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio