Ayon sa Xinhua News Agency, isinumite kamakailan ng China Australia Legal Exchange Foundation, isang grupong pambatas ng Hong Kong, Tsina, ang "Friend of the Court," sulat ng pagmumungkahi sa Arbitral Tribunal sa Hague, Netherlands. Ipinalalagay nitong walang kapangyarihan na pangasiwaan ng naturang hukuman ang kaso ng arbitrasyon sa South China Sea na unilateral na inihain ng pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sa isang news briefing kahapon, ipinahayag ni Lawrence Ma, Tagapangulo ng Komisyong Tagapagpaganap ng China Australia Legal Exchange Foundation, na sa katotohanan, ang hidwaan sa South China Sea ay hidwaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa pagmamay-ari ng soberanya sa mga isla ng South China Sea, at ng karapatang taglay ng soberanyang ito na gaya ng karapatan ng pangingisda, at karapatan ng paggagalugad. Ngunit, ayon sa "United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)," kung ang hidwaan sa maritime affairs ay tungkol sa hidwaan sa soberanya ng bansa, walang kapangyarihan ang maritime tribunal na pangasiwaan ito.
Salin: Li Feng