|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, ipinalabas Martes, Hulyo 12, 2016, ng Pamahalaan ng Republikang Bayan ng Tsina ang pahayag tungkol sa soberanya sa teritoryo at karapatan at interes sa dagat.
Bilang pag-uulit sa pagkakaroon ng soberanyang pangteritoryo at karapatan at kapakanang pandagat sa South China Sea, at upang mapalakas ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa South China Sea, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan, narito ang pahayag ng Pamahalaan ng Republikang Bayan ng Tsina:
I. Sa mga isla ng South China Sea na kinabibilangan ng Dongsha Islands, Xisha Islands, Zhongsha Islands, at Nansha Islands, may mahigit dalawang libong (2000) taong kasaysayan ang aktibidad ng mga mamamayang Tsino rito. Pinakamaagang natuklasan, nabigyang-pangalan, ginalugad at nagamit ng Tsina ang mga isla sa South China Sea at mga may-kinalamang karagatan. Pinakamaaga at sustenable ring isinagawa nang mapayapa at mabisa ng Tsina ang soberanya at pangangasiwa sa mga isla sa South China Sea at mga kinauukulang karagatan: bagay na nagtakda para sa Tsina ng soberanya sa teritoryo at may-kinalamang karapatan at kapakanan sa nasabing karagatan.
Pagkaraan ng World War II (WWII), nabawi ng Tsina ang mga isla sa South China Sea na ilegal na sinakop ng Hapon noong panahon ng mapanalakay na digmaan nito laban sa Tsina, at napanumbalik ang soberanya ng bansa roon. Upang mapalakas ang pangangasiwa sa mga isla ng South China Sea, noong taong 1947, sinuri at sinusugan ng Tsina ang heograpikal na pangalan ng mga isla ng South China Sea, inilista at sinulat ang "Nan Hai Zhu Dao Di Li Zhi Lue (A Brief Account of the Geography of the South China Sea Islands)," at iginuhit ang "Nan Hai Zhu Dao Wei Zhi Tu (Location Map of the South China Sea Islands)," kung saan inimarka ang dotted line sa South China Sea. Pormal na isinapubliko ang mga ito noong Pebrero, 1948, at inanunsyo sa buong daigdig.
II. Sapul nang maitatag ang Republikang Bayan ng Tsina noong unang araw ng Oktubre, 1949, buong tatag nitong pinangangalagaan ang soberanya sa teritoryo at karapatan at kapakanan sa South China Sea. Ang serye ng dokumentong pambatas na gaya ng "Declaration of the Government of the People' s Republic of China on China' s Territorial Sea" noong 1958, "Law of the People' s Republic of China on the Territorial Sea and the Contiguous Zone" noong 1992, "Law of the People' s Republic of China on the Exclusive Economic Zone and the Continental Shelf" noong 1998, at "Decision of the Standing Committee of the National People' s Congress of the People' s Republic of China on the Ratification of the United Nations Convention on the Law of the Sea" noong 1996, ay ibayo pang nagtiyak ng soberanya sa teritoryo at karapatan at kapakanan sa dagat ng Tsina sa South China Sea.
III. Batay sa praktis na historikal ng mga mamamayang Tsino at Pamahalaang Tsino sa mahabang panahon, at palagiang paninindigan ng sunud-sunod na Pamahalaang Tsino, ayon sa panloob na batas ng Tsina at pandaigdigang batas na gaya ng "United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)," ang soberanya sa teritoryo at karapatan at kapakanan sa dagat ng Tsina sa South China Sea ay ang mga sumusunod:
Una, ang Tsina ay may soberanya sa mga isla ng South China Sea na kinabibilangan ng Dongsha Islands, Xisha Islands, Zhongsha Islands, at Nansha Islands.
Ikalawa, ang Tsina ay may internal waters, territorial sea at contiguous zone sa mga isla ng South China Sea.
Ikatlo, ang Tsina ay may exclusive economic zone at continental shelf sa mga isla ng South China Sea.
Ikaapat, ang Tsina ay may karapatang historikal sa South China Sea.
Ang mga naturang paninindigan ng Tsina ay angkop sa may-kinalamang pandaigdigang batas at praktis.
IV. Sa mula't mula pa'y tinututulan ng Tsina ang ilegal na pagsakop ng ilang bansa sa mga isla at reef sa South China Sea, at mga aksyong lumalapastangan sa karapatan ng Tsina sa lugar sa dagat na pinangangasiwaan nito. Sa pundasyon ng paggalang sa katotohanang historikal, at batay sa pandaigdigang batas, nakahanda ang Tsina, na mapayapang lutasin kasama ng iba't-ibang may-kinalamang bansa, ang kinauukulang hidwaan sa South China Sea, sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian. Nakahanda ang Tsina na magsikap hangga't makakaya, kasama ng mga direktang may-kinalamang bansa, para gumawa ng aktuwal na pansamantalang pagsasaayos. Kabilang sa mga ito ang magkakasamang paggagalugad sa may-kinalamang karagatan para maisakatuparan ang win-win result at magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
V. Iginagalang at kinakatigan ng Tsina ang pagtatamasa ng iba't-ibang bansa ng kalayaan sa paglalayag at paglipad sa South China Sea, alinsunod sa pandaigdigang batas. Nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa mga nakapaligid na bansa sa baybaying-dagat at komunidad ng daigdig, upang magkakasamang pangalagaan ang seguridad at alisin ang hadlang sa pandaigdigang shipping lane.
Para sa English version: https://filipino.cri.cn/301/2016/07/12/102s144666.htm
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |