Bilang tugon sa final award na ipinalabas, Martes, ika-12 ng Hulyo 2016, ng Arbitral Tribunal hinggil sa South China Sea arbitration na unilateral na iniharap ng pamahalaan ni dating Pangulong Beningo Aquino III ng Pilipinas, ipinalabas ng Tsina ang dalawang pahayag.
Ayon sa unang pahayag na pinamagatang Statement of the Ministry of Foreign Affairs of the People's Republic of China on the Award of 12 July 2016 of the Arbitral Tribunal in the South China Sea Arbitration Established at the Request of the Republic of the Philippines, inulit ng Tsina ang di-pagtanggap at di-pagkilala sa arbitrasyon. Anito, labag sa pandaigdig na batas ang unilateral na pagharap ng arbitrasyon ng administrasyon ni dating Pangulong Beningo Aquino III, at walang hurisdiksyon sa kasong ito ang Arbitral Tribunal.
Ayon naman sa ikalawang pahayag na pinamagatang Chinese Government's Statement on China's Territorial Sovereignty and Maritime Rights and Interests in South China Sea, inulit ng pamahalaang Tsino ang pananangan sa soberanyang panteritoryo at karapatang pandagat sa South China Sea, at inulit din nito ang kahandaan sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa mga may kinalamang bansa sa nasabing karagatan at kahandaan ng pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng karagatan.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio