Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministring Panlabas ng Tsina, nagpalabas ng pahayag hinggil sa desisyon ng Arbitral Tribunal sa isyu ng South China Sea

(GMT+08:00) 2016-07-12 19:20:06       CRI
Bilang tugon sa desisyong ginawa, Martes, ika-12 ng Hulyo, 2016 ng Arbitral Tribunal hinggil sa isyu ng South China Sea na itinatag sa unilateral na kahilingan ng pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III, solemnang ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Tsina na imbalido ang nasabing desisyon at wala rin itong binding force, kaya, hindi ito tinatanggap o kinikilala ng Tsina.

Una: Noong ika-22 ng Enero, 2013, unilateral na iniharap ng dating administrasyong Pilipino ang arbitrasyon hinggil sa di-pagkakaunawaan ng Tsina at Pilipinas sa isyu ng South China Sea. Noong ika-19 ng Pebrero, 2013, solemnang ipinatalastas ng pamahalaang Tsino ang di-pagtanggap at di-paglahok sa nasabing arbitrasyon at pagkatapos, maraming beses na inulit ng Tsina ang nabanggit na paninindigan. Noong ika-7 ng Disyembre, 2014, ipinalabas ng Tsina ang Position Paper of the Government of the People's Republic of China on the Matter of Jurisdiction in the South China Sea Arbitration Initiated by the Republic of the Philippines, kung saan nakasaad na ang arbitrasyong iniharap ng administrasyon ni Aquino III ay labag sa mga bilateral na kasunduan ng Tsina at Pilipinas at labag din ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Dagdag pa riyan, ang Arbitral Tribunal ay hindi tumatalima sa panlahat na praktika ng pandaigdig na arbitrasyon at wala itong hurisdiksyon sa nasabing isyu. Noong ika-29 ng Oktubre, 2015, nagdesisyon ang Arbitral Tribunal na may hurisdiksyon ito at admisibilidad hinggil sa arbitrasyon sa South China Sea. Bilang tugon, ipinahayag kaagad ng pamahalaang Tsino na ang nasabing desisyon ay imbalido at wala rin itong binding force. Maliwanag at palagian ang nasabing panininindigan ng Tsina.

Pangalawa, unilateral na iniharap ng administrasyon ni dating pangulong Aquino III ang nasabing arbitrasyon. Masasabing may malisya ang layon nito at ito'y hindi para lutasin ang alitan ng Pilipinas sa Tsina at hindi rin ito para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, sa halip, ito'y para tanggihan ang soberanyang panteritoryo at karapatang pandagat ng Tsina sa nasabing karagatan. Ang pagharap ng administrasyon ni dating pangulong Aquino III ay labag sa pandaigdig na batas. Unang una, ang subject-matter ng arbitrasyon ay pangunahin na, tungkol sa isyu ng soberanyang panteritoryo sa ilang isla at reef ng Nansha Qundao (Nansha Islands), at di maiiwasang may kaugnayan at di rin maihihiwalay sa delimitasyong pandagat sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Alam na alam ng administrasyon ni Aquino III na hindi saklaw ng UNCLOS ang isyung panteritoryo at ang alitan sa demarkasyong pandagat ay ini-exclude sa UNCLOS compulsory dispute settlement procedures, batay sa deklarasyon ng Tsina noong 2006, sinadyang i-package ng nasabing administrasyong Pilipino ang may kinalamang alitan bilang isyung may kaugnayan lamang sa interpretasyon o aplikasyon ng UNCLOS. Pangalawa, ang unilateral na pagharap ng arbitrasyon ng nabanggit na administrasyong Pilipino ay labag sa karapatan ng Tsina bilang signatoryong bansa ng UNCLOS na may kalayaan sa pagpili ng prosidyur at paraan ng paglutas sa alitan. Noong 2006, batay sa artikulo 298 ng UNCLOS, ini-exclude ng Tsina sa compulsory dispute settlement procedures ng UNCLOS ang mga alitan na may kinalaman sa delimitasyong pandagat, historic bays o titles, aktibdad na militar at pagpapatupad sa batas. Ikatlo, ang unilateral na pagharap ng arbitrasyon ng nasabing administrasyong Pilipino ay labag sa mga bilateral na kasunduan na nagsasaad ng paglutas sa alitan hinggil sa isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng talastasan. Ikaapat, ang unilateral na pagharap ng arbitrasyon ng nasabing administrasyong Pilipino ay labag sa pangako ng Pilipinas na lutasin ang mga alitan sa mga direktang may kinalamang bansa, batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at lahat ng mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 2002. Bukod dito, sa pamamagitan ng unilateral na pagharap ng arbitrasyon ng nasabing administrasyong Pilipino, nilabag nito ang UNCLOS at mga probisyon hinggil sa aplikasyon ng dispute settlement procedures, sa prinsipyo ng "pacta sunt servanda" at ibang mga alituntunin at prinsipyo ng pandaigdig na batas.

Ikatlo, binalewala ng 5-miyembrong arbitral tribunal ang katotohanan, ang esensya ng pagsumite ng arbitrasyon ng pamahalaan ni Benigno Aquino III ay tungkol sa isyu ng soberanyang panteritoryo, at demarkasyong pandagat. Mali nitong ipinaliwanag ang komong pagpili ng paraan ng pagresolba sa alitan ng Tsina at Pilipinas, maling ipinalinawag ang bisang pambatas na may kinalaman sa pangako sa DOC, at tikis na iniwasan ang optional exceptions declaration na ginawa ng Tsina batay sa Artikulong 298 ng UNCLOS. Pinili nito't inihiwalay ang mga kinauukulang pulo at batuhan sa macro-geographical framework ng mga isla ng South China Sea, at ipinaliwanag at ginamit ang UNCLOS, batay sa subdiyektibong guniguni. Malinaw ang kamalian nito sa pagkilala sa katotohanan at pag-angkop sa batas. Ang kilos at hatol ng 5-miyembrong arbitral tribunal ay malubhang salungat sa praktika ng arbitrasyong pandaigdig, at salungat din sa layunin at simulain ng UNCLOS sa pagpapasulong ng mapayapang paglutas sa alitan. Grabe itong nakapinsala sa integridad at awtoridad ng UNCLOS, at malubhang lumapastangan sa lehitimong karapatan ng Tsina bilang soberanong bansa at signataryong bansa ng UNCLOS. Kaya ito'y di makatarungan at ilegal.

Ikaapat, sa ilalim ng anumang kalagayan, hindi naaapektuhan ng hatol ng arbitrasyon ang teritoryo, soberanya at karapata't kapakanang pandagat ng Tsina sa South China Sea. Tinututulan at hindi tinatanggap ng Tsina ang anumang paninindigan at aksyon, batay sa nasabing hatol.

At ikalima, inuulit ng pamahalaang Tsino na sa alitan sa isyu ng teritoryo at demarkasyong pandagat, hindi tinatanggap ng Tsina ang anumang paraan ng pagresolba ng alitan, sa pamamagitan ng ika-3 panig, at hindi tinatanggap ang anumang solusyon sa alitan na sapilitang ipapataw sa Tsina. Patuloy na susundin ng pamahalaang Tsino ang pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig na tiniyak ng United Nations Charter, na kinabibilangan ng paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at simulain ng mapayapang paglutas sa alitan. Igigiit nito ang paglutas, kasama ng mga may direktang kaugnayang bansa, sa mga may kinalamang alitan sa South China Sea, batay sa paggalang sa katotohanang historikal at pandaigdigang batas, sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

Para sa pahayag sa wikang Ingles, pakitsek: http://filipino.cri.cn/301/2016/07/12/102s144667.htm

Salin: Jade/Vera

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>