NASANGKOT na naman ang mga bandido sa Sulu sa pagdukot sa tatlong Indones sa Lahat Datu, Malaysia.
Ayon sa balitang lumabas sa media, sinabi ni Major Filemon Tan, Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, ang mga biktima ay kinilala sa mga pangalang Lorence Koten, Teo Dorus Kopong at isang Emmanuel. Ang mga biktima ay pawang mga tauhan ng isang bangkang pangisda.
Binihag ng mga armado ang walong tauhan ng bangkang pangisda subalit pinalaya ang limang iba pa. Kinilala ang may-ari ng bangkang pangisda sa pangalang Chia Tong Lim.