Lunes, July 11, 2016 ay "Maritime Day" ng China. Ang tema sa taong ito ay "Pagtatatag ng Ligtas, Epektibo at Berdeng Paglalayag, para Pasulungin ang Inobasyon at Kaunlaran ng Maritime Silk Road."
Ayon kay Li Tianbi, Puno ng Bureau of Shipping ng Ministry of Transport ng Tsina, nitong nakalipas na ilang taon, aktibong pinasulong ng Tsina ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa paghahatid ng kalakal, kasama ng ibang mga bansa sa kahabaan ng "21st Century Maritime Silk Road," pinalalim ang pagpapalitan at pagtutulugan sa pagitan ng mga may kinalamang puwerto, at pinalawak ang paglahok nito sa pandaigdigang kooperasyon sa mga sea-lanes.
Tungkol sa kooperasyon sa hinaharap, sinabi ni He Jianzhong, Pangalawang Ministro ng Transport ng Tsina, na pasusulungin ng bansa ang pagbabahagi at pagtutulungan sa kargamento sa dagat, oorganisahin ang pagsususog sa "Maritime Traffic Safety Law" ng bansa, at palalakasin ang pagsusuri sa pagpapatupad ng batas sa ligtas na paglalayag ng mga bapor. Aniya, sa international transportation corridor sa South China Sea (SCS), ibayo pang pabubutihin ng Tsina ang suplay sa nabigasyon, para bigyan ng serbisyo at impormasyon ang mga bapor mula sa iba't ibang sulok ng daigdig, para sa mas ligtas na paglalayag. Aniya pa, ibayo pang palalakasin ng Tsina ang kooperasong pagdagat sa SCS, pabubutihin ang mekanismo ng pagtutulungan hinggil sa pananaliksik at kaligtasang pandagat, at patataasin ang kakayahan ng pangkagipitang pagliligtas, para bigyan ng tulong ang mga "ship in distress."
Mula noong 2005, ipinasiya ng Tsina na isagawa tuwing July 11 na "Maritime Day" ng bansa. Ang araw na ito sa kasaysayan, ay araw ng pagsisimula ng explorasyon ng Tsina sa Indian Ocean at West Pacific na pinamunuan ni Zheng He ng Ming Dynasty, noong 1405.
Salin: Andrea