Kaugnay ng pagsasapubliko, Miyerkules, Hulyo 13, 2016, ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Timog Korea ng napiling lugar kung saan idedeploy ang Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) sa Timog Korea, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagdedeploy ng naturang dalawang bansa ng THAAD. Hinimok din niya ang dalawang bansa na agarang itigil ang may-kinalamang proseso.
Sinabi ni Lu na ang pagdedeploy ng Amerika at Timog Korea ng THAAD ay grabeng nakakapinsala sa estratehikong pagkabalanse ng rehiyon, at grabeng nakakapinsala sa estratehikong kapakanang panseguridad ng mga bansa sa rehiyong ito, na kinabibilangan ng Tsina. Ito aniya ay taliwas sa mga pagsisikap sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula. Matinding hinihimok ng panig Tsino ang Amerika at Timog Korea na agarang itigil ang kinauukulang proseso, at buong tatag na isagawa ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang sariling kapakanan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng