|
||||||||
|
||
Pagkaraang ilabas nitong Martes, Hulyo 12, 2016, ang resulta ng umano'y hatol ng arbitrasyong unilateral na inihain ng dating Pamahalaang Pilipino laban sa Tsina, bukas na ipinalabas ng mga bansa ang kani-kanilang palagay. Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules, Hulyo 13, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinasasalamatan ng panig Tsino ang mga bansang sumang-ayon sa posisyon at paninindigan ng Tsina. Umaasa rin aniya ang panig Tsino na matapat at solemnang pakikitunguhan ng tatlo o apat na bansang matigas na nagdeklarang ang resulta ng hatol ay "angkop sa pandaigdigang batas."
Sa regular na preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Lu na ang arbitrasong inihain ng dating Pamahalaang Pilipino ay may kinalaman sa hidwaan sa soberanya sa teritoryo, at ito ay hindi nabibilang sa pangangasiwa ng "United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)." Ito aniya ay malinaw na tadhana ng UNCLOS.
Kaugnay ng resulta ng hatol, ipinhayag ng tagapagsalita ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, na walang posisyon ang UN sa nasabing arbitrasyon. Tungkol dito, tinukoy ni Lu na ang hindi pagtanggap, hindi paglahok ng Tsina sa arbitrasyon sa isyu ng South China Sea, at hindi pagkilala sa ilegal na hatol, ay may sapat na batayang pambatas. Hindi lamang ipinagtatanggol ng Tsina ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan, kundi maging ang pandaigdigang batas at mga pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |