|
||||||||
|
||
Ayon sa China News Service, sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing nitong Miyerkules, Hulyo 13, 2016, kay Ginang Frederica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) sa Patakarang Diplomatiko at Panseguridad, nang banggitan ang isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa anumang kalagayan, hindi maaapektuhan ang soberanya sa teritoryo, karapatan at kapakanang pandagat ng bansa ng umano'y hatol ng kaso ng arbitrasyon sa nasabing isyu. Aniya, hindi tinatanggap ng panig Tsino ang anumang paninindigan at aksyong nababatay sa nasabing hatol. Umaasa ang panig Tsino na mananangan ang panig Europeo sa obdiyektibo at pantay na posisyon sa naturang isyu, at magiging maingat sa pananalita at aksyon, dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Frederica Mogherini na umaasang siyang malulutas ang isyu ng South China Sea sa mapayapang paraan. Aniya, nakahanda ang EU na makipagtalakayan sa panig Tsino tungkol sa kanilang kooperasyon sa larangang pangkapayapaan at panseguridad sa mga bansang Aprikano. Hinahangaan ng panig Europeo ang ibinibigay na ambag ng panig Tsino sa larangang pamayapa, dagdag pa niya.
Pumarito sa Beijing si Frederica Mogherini para dumalo sa Ika-18 Pagtatagpo ng mga Lider ng Tsina at EU.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |