Ipinahayag Miyerkules, Hulyo 13, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi kinikilala ng kanyang bansa ang iligal na hatol ng arbitrasyon sa isyu ng South China Sea (SCS). Ang paninindigang ito aniya, ay paggalang at pangangalaga sa pundamental na norma ng rule of international law at pandaigdigang relasyon.
Kaugnay ng hatol ng arbitrasyon, ipinahayag ng tagapagsalita ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na walang papanigan ang UN sa legal at subject-matters ng arbitrasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Lu na ang paninindigang Tsino na "di-pagtanggap, at di-paglahok sa arbitrasyon at di-pagkilala sa di-umano'y na hatol sa arbitrasyon" ay mayroong lubos na batayang legal batay sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Bukod dito, sinabi ni Lu na ang Tsina ay isang responsableng miyembro ng komunidad ng daigdig para aktibong lumahok at sumuporta sa gawain ng UN sa pagpapasulong ng usaping pangangasiwa batay sa batas.
Dagdag pa ni Lu, patuloy na susundin ng Tsina ang mga prinsipyo at layunin ng UN Charter at igigiit ang mapayapang paglutas sa mga hidwaan sa pamamagitan ng direktang talastasan at pagsasanggunian sa mga kasangkot na bansa.