Nakipag-usap sa Beijing, nitong Miyerkules, Hulyo 13, 2016 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kina Donald Tusk, Presidente ng European Council at Jean Claude Juncker, Presidente ng European Commission.
Ipinahayag ng dalawang panig ang pagpapahalaga sa pag-unlad ng pagtutulungang Sino-Europeo. Umaasa silang maayos na lulutasin ang mga alitan ng Tsina at Europa sa pamamagitan ng diyalogo, para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Nagpalitan din ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa integrasyon ng Europa, pagtutulungang pangkabuhayan ng Tsina at Europa, pagpapatupad ng European Commission sa Artikulo 15 ng "Protocol hinggil sa Pagsapi ng Tsina sa World Trade Organization," at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.