Dumalo at bumigkas ng talumpati sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Presidente Jean-Claude Juncker ng European Commission sa Ika-11 Eu-China Business Summit , sa Beijing, Hulyo 13, 2016.
Ipinahayag ni Premyer Li na positibo ang Tsina sa proseso ng integrasyon ng Europa. Aniya, ang pagpapalakas ng pagtutulungan ay hindi lamang angkop sa komong interes ng Tsina at Europa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Sinabi ng Premyer Tsino na ang pagbubukas sa labas ay nagsisilbing pundamental na patakaran ng Tsina. Aniya, magiging pantay-pantay ang lahat ng mga bahaykalakal na Tsino at dayuhan na pinapatakbo sa loob ng teritoryo ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Juncker na nitong 40 taong nakararaan sapul nang maitatag ang pagtutulungan ng Tsina at European Commission, mabunga ang kooperasyon ng dalawang panig. Aniya, napasulong ng naturang pagtutulungan ang kani-kanilang kabuhayan, at napabuti rin ang pamumuhay ng mga mamamayan nito. Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, kapuwa kinakaharap ng dalawang panig ang transpormasyon ng kabuhayan, at may malaking potensyal ang pagtutulungan nito sa usaping ito.