Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Hulyo 2016, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, lumaki ng 6.7% ang GDP ng bansa noong unang hati ng taong ito, kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Sinabi ni Sheng Laiyun, Tagapagsalita ng naturang kawanihan, na ang bilang na ito ay nagpapakita ng matatag at mabuting tunguhin ng pambansang kabuhayan ng Tsina. Aniya pa, batay sa bilang na ito, may pag-asang maisasakatuparan ang nakatakdang target ng paglaki ng GDP ng Tsina sa taong 2016.
Salin: Liu Kai