Ayon sa estadistika na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang 3 kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 48.7 trilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa. Ito ay mas malaki ng 6.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Kung ang kuwarter ang pag-uusapan, magkahiwalay na lumaki ng 7.0%, 7.0%, at 6.9% ang kabuhayang Tsino noong una, ikalawa, at ikatlong kuwarter ng taong ito.
Sa isang preskong idinaos nang araw ring iyon, ipinahayag ni Hu Kaihong, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na matatag sa kabuuan ang takbo ng kabuhayan ng bansa.
Salin: Li Feng