Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasangguni ng Estado ng Tsina: resulta ng South China Sea arbitration, ilegal at walang-bisa

(GMT+08:00) 2016-07-15 17:19:21       CRI
Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-14 ng Hulyo 2016, ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, na ilegal at walang-bisa ang resulta ng South China Sea arbitration.

Sinabi ni Yang, na ang pagharap ng arbitrasyon ng pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas ay labag sa bilateral na kasunduan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa paglutas sa hidwaan sa South China Sea sa pamamagitan ng talastasan. Labag din aniya ito sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at mga pandaigdig na batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Kaya ani Yang, ilegal ang naturang arbitrasyon mula noong simula pa.

Tinukoy ni Yang, na ang naturang arbitrasyon ay paraan din ng iilang bansa sa labas ng rehiyong ito, para makialam sa isyu ng South China Sea. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, batay sa sariling interes, nakikialam sa isyu ng South China Sea ang iilang bansa, sa pangangatwiran ng "kalayaan sa nabigasyon" at "pangangalaga sa kapayapaan." Sinabi ni Yang, na di-responsable ang aksyong ito, nagpapasidhi ito ng kalagayan sa South China Sea, at nagdudulot ng krisis sa rehiyong ito. Dagdag niya, ang isyu ng South China Sea ay isyu sa pagitan ng mga bansa sa baybayin ng karagatang nabanggit, at ang isyu ay dapat lutasin sa pagitan ng naturang mga bansa.

Ipinahayag din ni Yang ang kahandaan ng Tsina, na batay sa katotohanang pangkasaysayan at alinsunod sa UNCLOS at mga iba pang pandaigdig na batas, mapayapang lutasin, kasama ng mga may direktang kinalamang bansa, ang hidwaan sa South China Sea, sa pamamagitan ng talastasan. Ito aniya ay para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>