Nang mabanggit ang kaso ng arbitrasyong unilateral na inihain ng administrasyon ni dating pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas laban sa Tsina, ipinahayag kamakailan ni Australian Foreign Minister Julie Bishop na may binding force ang may-kinalamang hatol sa kinauukulang panig. Umaasa aniya siyang tutupdin ng iba't-ibang panig ang naturang hatol, at patuloy na isasagawa ng Australia ang karapatan ng kalayaan sa paglalayag at paglipad na ibinigay ng pandaigdigang batas.
Kaugnay nito, ipinahayag Huwebes, Hulyo 14, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Australia ay walang may-kinalamang bansa sa isyu ng South China Sea. Umaasa aniya ang panig Tsino na tutupdin ng Australia ang bukas na pangako nitong walang-papanigan sa isyung may-kinalaman sa hidwaan sa soberanya. Umaasa rin ang panig Tsino na magiging maingat ang nasabing opisyal ng Australia sa pananalita at aksyon nito, at huwag gawin ang anumang bagay na nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at relasyong Sino-Australian, aniya pa.
Idinagdag pa ni Lu na iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa nasabing opisyal Australyano tungkol sa pananalitang ito.
Salin: Li Feng