Ayon sa China News Service, bilang tugon sa hatol ng arbitrasyon sa isyu ng South China Sea na inilabas ng Arbitral Tribunal Martes, Hulyo 12, 2016, sa "Dotted-Line" na pinaninindigan ng Chinese mainland sa nasabing karagatan, at pagtiyak ng mga isla sa South China Sea na kinabibilangan ng Taiping Island, bilang "rock" sa halip ng "isla," magkakahiwalay na binatikos ito ng opinyong publiko ng Taiwan. Tinukoy nila na ang nasabing resulta ng arbitrasyon ay labis na walang-kapantay, at wala itong kredibilidad.
Sa kanyang inilabas na artikulo sa Facebook nitong Martes, tinukoy ni Ma Ying-jeo, dating lider ng awtoridad ng Taiwan, na "hinding hindi tatanggapin ang nasabing di-pantay na arbitrasyong pandaigdig." Aniya, sa nasabing arbitrasyon, hindi pantay sa proseso, at hindi ring makatwiran sa esensya." "Hindi nito inalis ang mga kahirapan at nilutas ang hidwaan, kundi pinadami ang posibilidad ng pagganap ng sagupaan," dagdag pa niya.
Bukod dito, magkakasunod na ipinalabas ng mga pahayagang Taiwanes na gaya ng "United Daily News" at "China Times," ang mga editoriyal bilang matinding pagbatikos sa kawalang-pantay ng nasabing hatol.
Salin: Li Feng