Sa Ulan Bator, Kabisera ng Mongolia (Xinhua) — Sa kanyang pakikipagtagpo Biyernes umaga, Hulyo 15, 2016, kay Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na mataas ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa at kumakatig sa isa't-isa sa mga isyung may-kinalaman sa nukleong kapakanan ang dalawang bansa. Aniya pa, nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang mataas na pakikipagdalawan, palakasin ang estratehikong pakikipagsanggunian, at palalimin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa panig Kambodyano, sa iba't-ibang larangan para mapasulong ang pagtatamo ng mapagkaibigang kooperasyong Sino-Kambodyano ng mas maraming bunga.
Ipinahayag naman ni Hun Sen na nakalagay sa preperensyal na katayuan ang pagpapaunlad ng patakarang panlabas ng Kambodya sa Tsina. Nakahanda aniya ang panig Kambodyano na patuloy na pasulungin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa panig Tsino.
Nang mabanggit ang isyu ng South China Sea, ipinahayag ng Premyer Tsino na sa umano'y pinal na desisyon sa arbitrasyon sa isyu ng South China Sea, na isinulong ng Pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III, iginigiit ng panig Kambodyano ang obdiyektibo at pantay na posisyon. Ito aniya ay nakakapagpatingkad ng di-mahahalinhang papel para mapangalagaan ang relasyong Sino-ASEAN, at kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag ni Hun Sen na patuloy na mananangan ang kanyang bansa sa nasabing posisyon. Kinakatigan aniya ng Cambodia ang paglutas sa kinauukulang hidwaan sa pamamagitan ng direktang diyalogo at pagsasanggunian ng mga may-kinalamang bansa.
Salin: Li Feng