Sa Ulan Bator, kabisera ng Mongolia (Xinhua) — Binuksan Biyernes, Hulyo 15, 2016, ang Ika-11 Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit na may temang "partnership for the future through connectivity."
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Tsakhiagiin Elbegdorj, Presidente ng Mongolia, na sa kasalukuyan, kinakaharap ng Asya at Europa ang maraming parehong problema at hamon. Kailangan aniyang magkakasamang talakayin sa summit ng iba't-ibang kalahok ang tungkol sa konkretong katugong hakbangin.
Tatagal ng dalawang (2) araw ang nasabing summit na dinadaluhan ng mga lider mula sa 53 bansa at organisasyong pandaigdig.
Salin: Li Feng