Sinipi nitong Sabado, Hulyo 16, 2016, ng mga media ng Pransya ang balita ng Amaq News Agency na nagsasabing inamin ng Islamic State (IS) ang responsibilidad sa teroristikong pag-atake sa Nice ng bansang ito na nagresulta sa pagkamatay ng 84 na katao at pagkasugat ng 202.
Noong gabi ng ika-14 ng buwang ito, minaneho ng isang 31 taong gulang na lalaki na mula sa Tunisia, ang isang truck at binunggo ang maraming tao habang pinapanood nila ang fire work bilang pagdiriwang sa pambansang araw ng Pransya.
Ayon sa ulat ng Amaq News Agency, ang nasabing pag-atake ay isinagawa ng isang "warrior" ng IS.