|
||||||||
|
||
Ang tatlong pangunahing paksa ng seminar ay mekanismo ng paglutas sa alitang pandagat, pamamaraan sa paglutas sa isyu ng South China Sea at pagtutulungan at pag-unlad sa rehiyong South China Sea.
Bago idaos ang seminar, nagkaroon ng isang panayam sa China Radio International si Li Guoqiang, Pangalawang Direktor ng Institute of Chinese Borderland Studies ng Chinese Academy of Social Sciences, isa sa mga tagapag-organisa ng nasabing seminar.
Si Li Guoqiang (ika-2 sa kanan, nakaupo), kasama ng mga dalubhasa mula sa Tsina at mga bansang ASEAN
Pagkakaiba, di-maiiwasan; diyalogo at kooperasyon, kailangang ipokus
Kaugnay ng resulta ng arbitrasyon hinggil sa isyu ng South China Sea na inilabas ng Arbitral Tribunal noong ika-12 ng Hulyo, sinabi ni G. Li na di-maiiwasan ang kapinsalaang dulot ng nasabing arbitrasyon sa interes ng Tsina, at nakapinsala rin ito sa kapayapaan ng rehiyon.
Gayunpaman, ipinagdiinan din ni Li na ang pagkakaiba sa nasabing isyu ay hindi puputol sa pangmalayuan at pangmatagalang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ipinalalagay niyang, pangmatagalang iiral, kapuwa ang alitan at kooperasyon sa isyu ng South China Sea. Nanagawan si Li na huwag kailanman pabayaan ang paksa ng pagtutulungan at pagdidiyalogo. Ito aniya ang dahilan ng pagtataguyod ng kanyang instituto ng nabanggit na seminar.
Ipinagdiinan ni Li na ang di-pagkakaunawaan hinggil sa nasabing isyu ay kailangang lutasin ng mga direktang may kinalamang bansa samantalang kailangang magkakasamang pangalagaan ng Tsina at ASEAN ang katatagan ng South China Sea.
Katatagan, kaunlaran, at pagpapabuti ng pamumuhay, komong hangarin
Ipinalalagay rin ni Li na ang pambansang katatagan, kaunlaran, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamahayan ay komong pangangailangan at hangarin ng Tsina at mga bansang ASEAN. Upang maisakatuparan ang mga ito, kailangan din aniya ang mapayapang kapaligirang panrehiyon.
Hiniling niya sa Tsina at mga bansang ASEAN na magkakasamang samantalahin ang pagpapatatag ng 21st Century Maritime Silk Road at upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area para maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Pag-uunawaan sa pamamagitan ng diyalogo
Binigyang-diin din ni Li na ang lahat ng mga komong palagay ay mararating sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalitan. Kaya, inaasahan niyang mapapakinggan ang iba't ibang paninindigan mula sa mga counterpart na Tsino at dayuhan sa seminar.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |