Miyerkules, ika-13 ng Hulyo, 2016--Matagumpay na isinagawa ng Tsina ang pagsubok-lipad sa dalawang bagong tatag na paliparan sa Meiji Reef at Zhubi Reef ng Nansha Islands.
Alas 8:30 at Alas 8:40, magkasunod na umalis ng Haikou Meilan International Airport ang dalawang eroplanong pampasahero ng China Southern Airlines at Hainan Airlines. Pagkaraan ng halos 2-oras na paglipad, magkahiwalay na dumating sa nabanggit na dalawang paliparan ang mga eroplano, at bumalik sa Haikou Miyerkules ng hapon.
Salin: Vera