Sa Think Tank Seminar on South China Sea and Regional Cooperation and Development, na idinaos, Lunes, ika-18 ng Hulyo 2016, sa Singapore, ipinahayag ni Zhao Qizheng, Dean ng School of Journalism and Communication ng Renmin University ng Tsina, na ang mapayapang talastasan ay karapat-dapat na paraan para lutasin ang hidwaan ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea.
Aniya, ang arbitrasyon ay may kamalian sa proseso, batayang pambatas at ebidensiya, labag sa prinsipyong dapat lumahok ang lahat ng mga panig na sangkot sa hidwaan, paglapastangan sa karapatan ng Tsina sa malayang pagpili ng paraan ng paglutas ng hidwaan, at hindi angkop sa mga narating na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina hinggil sa paglutas ng isyu sa pamamagitan ng talastasan, at ito rin ay tumalikod sa pangako ng Pilipinas sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Sinabi ni Zhao, na walang hurisdiksyon sa kaso ang Arbitral Tribunal, at lumampas at umabuso rin ito sa kapangyarihan. Ang pinal na hatol ay hindi tumutugma sa katotohanang historikal, salungat sa pandaigdig na batas at saligang diwa at paninindigan ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Kaya, ang ganitong arbitrasyon aniya ay walang-bisa at walang binding force.
Sinabi rin ni Zhao, na ang mapayapang talastasan ay karapat-dapat na paraan para lutasin ang hidwaan ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea.
Salin:Lele