|
||||||||
|
||
Sa Hanoi, Biyetnam (Xinhua) — Binuksan Huwebes, Hulyo 21, 2016, ang Eksbisyon ng Edukasyon ng Guangxi ng Tsina para sa taong 2016.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pham Manh Hung, Pangalawang Ministro ng Edukasyon at Pagsasanay ng Biyetnam, na nagkakaloob ang Tsina ng scholarship sa maraming mag-aaral na Biyetnames. Ang mga estudyante aniya ay nakakapagbigay ng malaking ambag sa konstruksyong pangkabuhayan ng bansa pagkaraan ng kanilang pag-uwi. Umaasa siyang mapapasulong ng eksbisyong ito ang pagkaunawa ng mga estudyanteng Biyetnames sa kultura at edukasyong Tsino, at ipagkakaloob pa ng Tsina ang mas maraming tulong sa mga estudyanteng Biyetnames.
Lumahok dito ang dalawampu't apat (24) na unibersidad ng Guangxi na gaya ang Guangxi Normal University, Guangxi University for Nationalities, at Guangxi University. Ito ang ika-6 na beses nang pagtataguyod ng Guangxi ng ganitong eksbisyon sa Biyetnam.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |