Sa kanyang pakikipag-usap kahapon, Pebrero 29, 2016 sa Beijing kay Hoang Binh Quan, sugo ni Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trọng ng Partido Kumunista ng Biyetnam(CPV), ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Kumunista ng Tsina(CPC), na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam para ipagpatuloy ang tradisyonal na mapagkaibigang pagpapalitan sa mataas na antas, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, pahigpitin ang pagpapalitan sa konstruksyon ng CPC at CPV, pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan, maayos na hawakan ang pagkakaiba ng palagay, para mapasulong ang malusog at pangmatagalang estratehikong partnership ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Ipinaabot naman ni Hoang Binh Quan ang pag-asa ni Nguyen Phu Trọng na tutupdin ng Biyetnam, kasama ng Tsina ang komong palagay na narating ng liderato ng dalawang panig, palalakasin ang mataas na pagpapalitan, pasusulungin ang mabibisang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, pangangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatan, para pasulungin ang komprehensibo, malusog, at pangmatagalang estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ito aniya'y makakatulong sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.