Sina Meng Jianzhu (ikalawa mula kanan), at Truong Hoa Binh (ikalawa mula kaliwa)
Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kahapon, Marso 24, 2016, kay Truong Hoa Binh, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), at Chief Justice ng Vietnam Supreme People's Court, sinabi ni Meng Jianzhu, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Kalihim ng CPC Central Commission for Political and Legal Affairs, na ang Tsina at Biyetnam ay mahalagang magkapitbansa at magkatuwang. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Biyetnames, para maisakatuparan ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang partido at bansa, at walang humpay na mapalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangang hudisyal.
Ipinahayag naman ni Truong Hoa Binh ang kahandaang palakasin kasama ng panig Tsino, ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangang kinabibilangan ng hudikatura para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng