|
||||||||
|
||
Sina Yang Jiechi at Nguyen Phu Trong
Sa magkahiwalay na okasyon, sa Hanoi, Biyetnam-Nakipag-usap Hunyo 27, 2016 si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina kina Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam(CPV) at Tran Dai Quang, Pangulo ng estado.
Ipinaabot ni Yang ang pagbati mula kay Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng estado sa mga lider Biyetnames. Ipinahayag ni Yang na dinalaw ng dalawang Pangkalahatang Kalihim ang isa't isa noong 2015, at narating nila ang pagkakasundo hinggil sa pagpapatibay ng mapagkaibigang relasyong pangkapitbansa at pagpapalalim ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Aniya, tiniyak nito ang direksyong pangkaunlaran ng relasyong Sino-Biyetnames. Umaasang tutupdin ng dalawang panig ang mga nasabing komong palagay, ani Yang.
Ipinahayag naman ni Nguyen Phu Trọng na palaging nagsisikap ang Biyetnam para pasulungin ang tradisyonal na mapagkaibigang pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang Biyetnam na ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Biyetnames, sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng mataas na pagpapalitan, pagpapalakas ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapalawak ng pragmatikong pagtutulungan, pagpapasulong ng mapagkaibigang pagpapalitang di-pampamahalaan, maayos na pamamahala at pagkontrol sa pagkakaiba ng palagay, at iba pa.
Ipinahayag din ni Tran Dai Quang na nananatiling mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Biyetnam sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang patitingkarin ang papel ng Lupong Patnubay ng Tsina at Biyetnam, para ibayong pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig, sa ibat-ibang antas at larangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |