Ayon sa China News Service, kinumpirma Huwebes, Hulyo 21, 2016, ng Ministring Panlabas ng Myanmar na sa paanyaya ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos, dadalaw sa Amerika si Aung San Su Kyi, Pambansang Sugo at Ministrong Panlabas ng Myanmar. Pagkaraang mailuklok bilang pinuno ng naghaharing partido ang National League for Democracy (NLD) noong nagdaang Abril, ito ang magsisilbing kauna-unahang biyahe ni Aung San Su Kyi sa Amerika.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Myanmar, sa tamang panahon, bibisita si Aung San Su Kyi sa Amerika. Samantala, kasalukuyang bumibiyahe sa Myanmar si Ben Rhodes, Deputy National Security Advisor ng Amerika. Nitong Miyerkules, Hulyo 20, 2016, kinausap niya si Aung San Su Kyi.
Salin: Li Feng