|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, nanawagan kahapon, Hulyo 5, 2016, si Aung San Su Kyi, Pambansang Sugo ng Myanmar, sa mga mahalagang lider ng sandatahang puwersa ng mga pambansang minoriya ng bansa na dumalo sa 21st Century Panglong Conference.
Mula noong Hulyo 3, 2016, idinaos sa Nay Pyi Taw ng pamahalaan ng Myanmar ang pulong bilang paghahanda para sa nasabing komperensya. Sa pulong kahapon, binigyang-diin ni Aung San Su Kyi na dapat isakatuparan ang kompromiso, hindi lamang sa pagitan ng mga sandatahang organisasyon, kundi maging sa pagitan ng mga nasyonalidad.
Ayon sa ulat, noong kapatusan ng nagdaang Hunyo, nagkasundo na ang pamahalaan ng Myanmar at sandatahang puwersa ng pambansang minoriya na lumagda sa pambansang kasunduan ng tigil-putukan. Itinakda nila na sa huling linggo ng darating na Agosto, idaraos ang 21st Century Panglong Conference.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |