Binasa kahapon, Marso 22, 2016, ni Mahn Win Khaing Than, Pangulo ng Parliamentong Pederal ng Myanmar, ang listahan ng nominadong ministro na isinumite ni Htin Kyaw, bagong halal na pangulo ng bansang ito. Nasa unang puwesto sa listahang ito si Aung San Su Kyi, Pangulo ng National League for Democracy (NLD). Ipinahayag nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng NLD na manunungkulan siya bilang Ministrong Panlabas.
Ayon sa Myanmar Times kahapon, kung manunungkulan si Aung San Su Kyi bilang Ministrong Panlabas, siya ay magiging isang miyembro ng Pambansang Komisyon ng Tanggulang Bansa at Seguridad na binubuo ng 11 miyembro lamang. Ang komisyong ito ay may pinakamalaking impluwensiya sa Myanmar na nasa kontrol, pangunahin na, ng panig militar. Ayon sa naturang listahan, upang mapabilang sa gabinete, walang ibang pagpili si Aung San Su Kyi kundi itatakwil ang posisyon bilang pangulo ng NLD.
Salin: Li Feng