Bilang tugon sa pagbabalita ng maraming media kamakailan na di umano'y "sinuspendi ng Embahadang Biyetnames sa Tsina ang pagbibigay ng tourist visa sa mga turistang Tsino sa Biyetnam," ipinalabas Biyernes, Hulyo 22, 2016, ng Embahadang Biyetnames sa Tsina ang pormal na pahayag bilang pagtanggi sa nasabing impormasyon.
Binigyang-diin ng pahayag na naninindigan ang Biyetnam na pasulungin ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang kinabibilangan ng Tsina, sa mga aspektong gaya ng pagpapaunlad ng kabuhayan, kalakalan, at turismo. Hanggang sa ngayon, walang anumang pagbabago ang patakaran at regulasyon ng Biyetnam sa pagbibigay ng tourist visa sa mga dayuhang turista sa Biyetnam, anito.
Salin: Li Feng