Sa pakikipag-usap sa Vientiane, Laos sa kanyang Thai Counterpart na si Don Pramudwinai, ipinahayag noong Hulyo 24, 2016 ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na positibo ang Tsina sa pagsisikap ng Thailand para pangalagaan ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN. Aniya, sa harap ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, umaasa siyang magsisikap ang Tsina, kasama ng Thailand para ibayo pang pasulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN sa ibat-ibang larangan.
Ipinalalagay ni Wang na bilang pinakamahalagang bagay sa kasalukuyan, umaasa siyang magsisikap ang mga may-kinalamang panig para tupdin ang Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea(DOC), at pasulungin ang mapayapang paglutas sa isyu ng South China Sea, sa pamamagitan ng diyalogo para pangalagaan ang katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Don Pramudwinai ang pag-asang magsisikap ang Tsina at ASEAN para pangalagaan ang malusog na pag-unlad ng pagtutulungan ng dalawang panig. Umaasa rin aniya siyang totohanang tutupdin ng Tsina at ASEAN ang DOC at pasusulungin ang talastasan hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea(COC) para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Umaasa rin aniya siyang maibabalik ang diyalogo sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.