Sa pakikipag-usap sa Vientiane, Laos, noong Hulyo 24, 2016 sa kanyang Cambodian counterpart na si Prak Sokhon, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang pagpapahalaga sa makatarungan at obdiyektibong atityud ng Kambodya at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa isyu ng South China Sea(SCS). Ito aniya'y hindi lamang makakatulong sa pagkakaisa ng ASEAN at pagkakaroon ng leading role sa kooperasyong panrehiyon, kundi mainam din sa pangangalaga sa pagtutulungan ng Tsina at ASEAN at katatagan ng rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya at mga bansang ASEAN na tupdin ang "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea"(DOC) para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Samantala, umaasa aniya siyang mapayapang malulutas ng mga direktang may-kinalamang bansa ang alitan, batay sa balangkas ng DOC.
Ipinahayag naman ni Prak Sokhon na ang isyu ng SCS ay hindi isyu sa pagitan ng Tsina at buong ASEAN. Aniya, ang arbitrasyon sa SCS ay nakakapinsala sa katatagan ng rehiyon. Umaasa aniya siyang mapapanumbalik ng mga may-kinalamang bansa ang diyalogo at kooperasyon para pangalagaan ang pangmatagalang interes ng buong rehiyon.